Wednesday, July 9, 2014

Aralin 1: HEOGRAPIYA


Ang unang aralin na aming pinag-aralan sa asignatura ng Araling Panlipunan ay tungkol sa “Heograpiya”. Ang heograpiya ay ang pag-aaral tungkol sa mundo. Ang katangiang pisikal ng daigdig ay binubuo ng crust, mantle, core, at plate. Ang crust ay ang matigas at mabatong parte ng daigdig. Ang mantle naman ay isang patong ng batong napakainit kaya lumalambot ang ilang parte ng daigdig. Ang core naman ay ang pinakaloob- looban ng daigdig kung saan ito ay binubuo ng mga metal. Ang daigdig ay binubuo din ng mga guhit na patayo at pahalang kung saan ay nakakatulong ito upang matukoy ang lokasyon ng isang lugar ngunit ang mga guhit na ito ay mga imahinasyon lamang at ito ay tinatawag na “latitude” (pahalang) at “longtitude” (patayo). Ang daigdig ay hinahati sa apat na hemisphere. Ito ay ang mga northern, southern, eastern at western hemisphere kung saan ay ang hilaga at timog ay hinahati ng ekwador (equator) at ang silangan at kanlurang parte ay hinahati sa pamamagitan ng Prime Meridian. Ang bawat bansa sa buong mundo ay may iba’t ibang pagtatakda ng petsa, ito ay magakakaiba dahil sa International Date Line.
Ang heograpiya ay may limang tema. Ito ay ang mga lokasyon, lugar, rehiyon, interaksyon ng tao sa kapaligiran at ang paggalaw. Ang limang ito ay mahahalaga dahil ito ay nakakatulong upang matukoy ang katangian ng isang lugar. Ang lokasyon ay tumutukoy sa kinalalagyan ng isang lugar o kung saan makikita ang isang lugar.  Matutukoy ang siang lugar sa pamamagitan ng pagtukoy ng absolute nito o pagtukoy ng longtitude at latitude nito pero maari din ito matukoy sa pamamagitan ng mga karatig lugar nito. Ang lugar at ang rehiyon ay halos magkatulad na dahil ito ay tumutukoy sa katangian ng isang lugar o klima mayroon ang lugar na iyon at anong mga likas na yaman ang maaaring pakinabangan ng mga taong naninirahan doon. Ang interaksyon ng tao sa kapaligiran ay tumutukoy sa pagpapahalaga ng tao sa kanyang kapaligiran at ang paggalaw  ay ang pagkilos ng mga tao. Ito ay tumutukoy sa kung paano kumilos ang mga tao depende sa kanilang pangangailangan.
Kasama din sa heograpiya ang pag – aaral ng heograpiyang pantao. Ito ay ang pag- aaral ng wika, relihiyon, lahi at pangkat- etniko. Ang wika ay isa sa pinagbabasehan sa pagtukoy ng isang pangkat at ito ay sinasabing kaluluwa ng isang kultura. Ito ay sumasalamin sa pagkakaintindihan ng bawat isa, identidad o kakilanlan. Ito ay ginagamit upang magkaintindihan ang bawat isa. And mundo ay may 7 105 na buhay na wika at may 136 language family. Relihiyon, ito ay isa din na tumutukoy sa pagakakintindihan ng bawat tao o ang pagkakaisa ng isang pangkat. Ito din ay sumasalamin sa iisang ritwal at paniniwala ng isang grupo sa kanilang kinikilalang nag- iisang Diyos. Ang lahi/pangkat- etniko ay tumutukoy sa isang lahi ng isang grupo na may iisang tradisyon at kultura na sinusunod. Sa tulong heograpiyang pantao ay napagsasama ang mga taong may pagkakatulad upang sila ay magkaintindihan.
Sa aralin na ito, ang heograpiya ay lubos na nakakatulong sa bawat isa. Ito ay nagbibigay alam kung bakit ang magkakakapwa ay magkakasama at kung bakit may iba’t ibang paniniwla ang ibang tao sa inyo. At kung saan nanggaling ang mga bagay-bagay sa mundo. Ito ay maayos naman na naipaliwang sa amin dahil ito ay tinalakay sa iba’t ibang uri ng pagtuturo. Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng mga panggrupong aktibidad.

5 comments:

  1. Nasaan ang ang repleksyon sa aralin 2

    ReplyDelete
  2. Nasaan ang repleksyon sa aralin 5

    ReplyDelete
  3. The casino, or poker room? (Norman Reedus) - Dr. Maryland
    An 18th 김천 출장안마 century 춘천 출장마사지 masterpiece of gaming, the poker room at MGM Springfield 정읍 출장마사지 is one of the most 순천 출장안마 iconic structures on 전주 출장마사지 the Strip.

    ReplyDelete